Alok ni Marcos Jr. sa EDSA day
MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado sa mga Pilipino na hangarin ang “kapayapaan, pagkakaisa, at pagkakasundo” sa gitna ng paggunita ng bansa sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
“As we look back at this fateful moment in our country’s history, we remind ourselves that despite the polarizing and divisive nature of our politics, it is our capacity for peace, unity, and reconciliation that made us great and worthy of global acclaim as a people,” mensahe ni Marcos.
Sinabi rin ng Pangulo na habang ang bansa ay naghahangad na sumulong, ang bawat isa ay dapat manatiling tahimik at gumawa ng naaangkop na mga aksyon tungo sa pag-aayos ng mga pagkakaiba at pagtutulungan.
Ang kalayaan, aniya, ay makakamit lamang kapag ang mga Pilipino ay naghahangad ng “walang katapusang pagmamahal sa sangkatauhan.”
“By accepting our diversity, we deepen our interpersonal relationships and discover how to make things work better for all,”ani Marcos.
Pinaalalahanan din ni Marcos ang lahat na “ang mundo ay tumatanda at tumatanda sa katatagan, kapag ang mga tao ay malayang nagsasabi ng kanilang isipan at paniniwala.”
Ang Pebrero 25 ay isang regular working day matapos ilipat ni Marcos sa Peb. 24 ang pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Noong Huwebes, nilagdaan ni Marcos ang Proclamation 157, na nagdedeklara sa Peb. 24, 2023 bilang isang special non-working day upang bigyang-daan ang mga Pilipino na ma-enjoy ang mga benepisyo ng “holiday economics.”
Naganap ang pagtitipon noong 1986 People Power Revolution ng milyun-milyong Pilipino sa kahabaan ng EDSA na humantong sa pagpapatalsik sa ama ni Marcos na si dating pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., na naging daan para sa isang bagong pamahalaan sa ilalim ni dating pangulong Corazon Aquino.