^

Bansa

PNP tututukan mga death threats sa government, elected officials

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP tututukan mga death threats sa government, elected officials
Manila Police District director Brig. Gen. Andre Dizon addresses his men after the flag-raising ceremony on October 17, 2022.
STAR / Edd Gumban

Dahil sa sunud-sunod na ambush

MANILA, Philippines — Bunsod ng sunud-sunod na pag-atake sa mga elected officials, inutos ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang pagsusuri at assessment sa mga posibleng pagbabanta ng mga ito.

“Ang marching order natin hindi lamang sa ating bagong regional director ng NCR (National Capital Region) but sa lahat ng regional directors to start conducting a threat assessment sa mga elected as well as appointed officials doon sa kanilang mga respective areas,” ani Azurin.

Ayon kay Azurin, nais nilang malaman kung sinu-sino sa mga elected at government officials ang nakakatanggap ng mga pagbabanta at kung gaano katindi.

Aniya, bagama’t may mga security na ibi­nibigay ang pamahalaan kailangan pa ring malaman kung ito ay sapat  upang bantayan ang seguridad ng mga opisyal.

“We would know the current state ng kanilang kalagayan whether’ yun bang security na pinoprovide ng PNP ay kulang or sapat,” ani Azurin.

Sa ilalim ng regu­lasyon ng PNP, binibigyan ng PNP Police Security and Protection Group (PSPG) ng dalawang police escorts ang mga pulitiko at iba pang personalidad na may pagbabanta sa buhay.

Kung walang matinding banta sa buhay ang seguridad ng  elected official, ang mga local police ang magbibigay ng seguridad.

Sa loob lamang ng isang linggo, inambush si  Mayor Ohto Montawal ng Datu Montawal, Maguindanao del Sur sa Pasay;  Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong noong Pebrero 17 at Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda noong Pebrero 19.

Samantala, pinangunahan ni Azurin ang turn over ng command ­ceremony ng National Capital Region Police Office  sa Camp Bagong Diwa in Taguig.

Isinalin ni NCRPO chief Major Gen. Jonnel Estomo ang panunungkulan kay  Maj. Gen. Edgar Allan Okubo na dating hepe ng Special Action Force (SAF).

JR

PNP

RODOLFO AZURIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with