February 25 'ordinary working day' lang sa paglipat ng EDSA holiday — DOLE

Renato Vallarte (C), a worker from the Spirit of EDSA Foundation, attaches flags to the statues at the People Power Monument two days before the anniversary of the People Power revolution in Manila on February 23, 2016. The Philippines is this week celebrating 30 years of democracy, but thousands who suffered through the Marcos dictatorship tremble with anger at slow justice and the stunning political ascent of the late strongman's heir. President Benigno Aquino will on February 25 lead the commemoration of the "People Power" uprising that allowed his mother, Corazon, to take over from Ferdinand Marcos after he fled to the United States.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Inilinaw ng Department of Labor and Employment - Bureau of Working Conditions (DOLE-BWC) na ituturing bilang "normal working day" ang ika-25 ng Pebrero 2023 sa pagdedeklara ng February 24 bilang special non-working holiday.

Ito ang ibinahagi ng BWC, Biyernes, matapos ilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang Proclamation 167 noong Huwebes.

Sa anunsyo, matatandaang sinabing inusog ni Bongbong ang selebrasyon ng pagpapatalsik sa kanyang ama — ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. — sa "prinsipyo ng holiday economics."

"25 February is still the EDSA People Power Revolution Anniversary," banggit ng DOLE-BWC kanina.

"Proclamation No. 167 just moved the special non-working day from 25 February 2023 to 24 February 2023. Hence, 24 February 2023 is now a special non-working day and 25 February 2023 is an ordinary working day."

 

Paliwanag ni Marcos Jr., ginawa niya ito upang mapakinabangan ng karaniwang Pilipino benepisyo ng mas mahabang weekend.

Dagdag pa ng DOLE kanilang Labor Advisory 02 series of 2023, "no work, no pay" ang mga empleyado't manggagawa ngayong araw dahil sa special non-working holiday.

"For work done during the special day, the employer shall pay the employee an additional 30% of the basic wage on the first eight hours of work (basic wage x 130%)," banggit ng kagawaran kanina.

"For work done in excess of eight hours, the employer shall pay the employee an additional 30% of the jhourly rate on said day (hourly rate of the basic wage x 130% x 130% x number of hours worked)."

Kung magtratrabaho ang isang manggagawa sa special day na pahinga niya dapat, sinasabing dapat bayaran ang empleyado ng dagdag na 50% ng basic wage sa unang walong oras ng trabaho (basic wage x 150%).

Para sa mga mag-o-overtime tuwing special day kahit araw niya dapat ng pahinga, dapat daw bayaran ng employer ang empleyado ng dagdag na 30% ng hourly rate ng araw na 'yon (hour rate ng basic wage x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

Taong 1986 nang mangyari ang pag-aalsang EDSA People Power, na siyang nagpatalsik kay Marcos Sr. sa kapangyarihan, na siyang nagdeklara noon ng Batas Militar mula 1972 hanggang 1983.

Noong Martial Law,  umabot sa 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 naman ang pinatay, ayon sa taya ng Amnesty International.

Pag-'downplay' sa halaga ng February 25?

Kahapon lang nang sabihin ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na hindi mabubura ng iskemang "holiday economics" ang kahalagahan ng araw sa Sabado, isang kilusang nagtulak sa milyun-milyong Pilipino sa kalsada upang magpatalsik ng presidente.

"Malacañang's holiday economics cannot downplay the historical significance of the Feb. 25 EDSA People Power uprising that ousted his dictator-father Ferdinand Marcos Sr.," sabi ng KMP kahapon.

"Farmers will always take inspiration from the heroic struggle of the Filipino people that culminated in EDSA 37 years ago. We enjoin broad sectors especially the youth to join the protests on February 25, Saturday."

Hindi lang daw dapat taunang ceremonial commemoration ang mangyari bukas, ngunit pagpapatuloy ng legacy ng EDSA sa pagtatanggol sa demokrasya at pagpupunyagi laban sa diktadurya at tiraniya.

Kahapon lang nang sabihin ng Social Weather Stations na 62% pa rin ng mga Pilipino ang naniniwalang buhay pa ang diwa ng EDSA kahit sa ilalim ng administrasyon ng isa pang Marcos. Sa kabila nito, kaonting porsyento lang ang nagsabing natupad ang mga pangako ng EDSA.

"Another EDSA uprising is possible in the future and it would be led by the Filipino masses who are fed up with the lingering economic crisis, corruption, and patronage politics," panapos ng KMP.

Show comments