6.6 magnitude na lindol niyanig timogsilangan ng Sarangani, Davao Occidental
MANILA, Philippines — Tumama ang 6.6 magnitude na lindol sa katubigan sa timogsilangan ng Sarangani, Davao Occidential ngayong Biyernes ng madaling araw.
Bandang 4:02 a.m. nang tumama ang naturang lindol 377 kilometro mula sa Sarangani Island, bagay na may tectonic na origin, ayon sa Phivolcs.
Pero dahil sa tubig ito nagmula, mahina lang ang naging epekto nito sa mga taga-Mindanao.
Narito ang mga instrumental intensities na naitala ng Phivolcs kaugnay ng earthquake:
Intensity II (slightly felt)
- Glan, Kiamba, Sarangani; Tupi, South Cotabato
Intensity I (scarcely perceptible)
- Don Marcelino, Davao Occidental; Maitum, Malapatan, Sarangani; Koronadal City, General Santos City, South Cotabato
Wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks dulot ng naturang lindol sa ngayon.
Dagdag pa ng state seismologists, wala silang itataas na tsunami threat sa Pilipinas kahit na malakas-lakas ang pagyanig sa ilalim ng tubig. — James Relativo
- Latest