Diwa ng EDSA People Power, buhay pa - SWS

File photo shows the People Power Monument on EDSA in Quezon City. While many say only a few promises of the 1986 revolt were fulfilled, six in 10 Filipinos believe its spirit remains alive more than three decades after the ouster of Ferdinand Marcos Sr.

MANILA, Philippines — Anim sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing buhay pa rin ang diwa ng Edsa People Power. 

Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS), isang araw bago ang ika-37 taong anibersaryo ng 1986 People Power Revolution sa Pebrero 25. 

Sa tanong sa mga respondent kung buhay pa ba ang diwa ng People Power, 62% ang nagsabing naniniwala sila na nananatiling buhay ang demokrasya ng Edsa habang 37% ang nagsabing nawala na ang diwa nito. 

57% ng mga Pinoy ang nagsabing mahalaga pa rin ang paggunita sa Edsa People Power habang 42% ang nagsabing hindi na ito mahalaga. 

5% lamang ng mga tinanong ang nagsabing natupad ang mga ipinangako ng Edsa People Power, 19% ang nagsabing bahagyang natupad at 28% ang nagsabing walang natupad.

Show comments