^

Bansa

Advance voting sa seniors, PWDs suportado ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagsuporta si Senator Christopher “Bong” Go sa panawagang pagpapatupad ng advance voting ng vulnerable sectors sa bansa sa pagsasabing dapat protektahan ang karapatan sa pagboto ng bawat isa at palakasin ang partisipasyon ng nakararami sa proseso ng elektoral.

Sa panayam matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Mandaluyong City, sinabi ni Go na suportado niya ang Senate Bill No. 777 na inihain ni Senator Sonny Angara na naglalayong bigyan ng maagang pagkakataon sa pagboto ang mga kuwalipikado pero maaaring hindi makaboto sa araw ng halalan dahil sa iba’t ibang dahilan, tulad ng senior citizens at mga may kapansanan.

Naniniwala si Go na tulad ng absentee voting para sa overseas Filipino workers, ang vulnerable sectors, partikular ang senior citizens at PWDs, ay dapat mabigyan ng pagkakataong makaboto nang maaga para maiiwas sila sa abala at panganib sa mataong lugar ng botohan.

Sa ilalim ng iminungkahing SBN 777, ang mga kwalipikadong botante ay maaaring bumoto sa loob ng hindi bababa sa dalawang araw sa loob ng 15 araw sa kalendaryo bago ang araw ng halalan. Pinahihintulutan din ng panukala ang COMELEC na magtalaga ng mga accessible ng lugar ng botohan para sa eksklusibong paggamit na senior citizen at PWD.

Ang mga vulnerable sector at PWD na nagparehistro para sa advance voting ay magkakaroon ng opsyon na bumoto sa pamamagitan ng mga itinalagang presinto, basta nakarehistro sila sa COMELEC.

Layon ng panukala na magbigay ng kaginhawahan at accessibility sa mga botante na maaaring nahihirapang bumoto sa araw ng halalan, lalo na ang mga may mga isyu sa mobility tulad ng senior citizen at PWD.

Bilang isang pampublikong lingkod, sinabi ni Go na kinikilala niya ang kahalagahan ng pagboto bilang isang pangunahing karapatan at responsibilidad ng bawat mamamayan, anuman ang kanilang sitwasyon sa buhay.

. BONG GO

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with