Sa ika-6 na taong pagkakakapiit ni De Lima, grupo giit paglaya ng ex-senator
MANILA, Philippines — Patuloy ang panawagan ng grupong Human Rights Watch na tuluyang palayain si dating Sen. Leila de Lima, lalo na't gumuho na raw ang batayan ng sinasabing mga gawa-gawang kaso laban sa kanya sa pagpasok ng kanyang ika-6 taong anibersaryo ng pagkakapiit sa kulungan.
Ika-24 ng Pebrero 2017 nang ikulong si De Lima kaugnay ng diumano'y pagkakaugnay niya sa bentahan ng iligal na droga. Sa kabila nito, may mga nagbawi na ng kanilang akusasyon laban sa dating senadora.
“It is a travesty that Leila de Lima has endured six years in detention after bogus charges were brought against her in cases that have utterly collapsed," wika ni Rachel Chhoa-Howard, Southeast Asia researcher ng Amnesty International, Huwebes.
"As witness after witness withdraws their testimony, the Marcos administration must put an end to her ongoing persecution."
Kabilang sa nga kumambyo sa kanila akusasyon sina dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos at Marcelo Adorco, driver at bodyguard ni Espinosa. Binawi na rin ng kanyang kapwa akusado na si Ronnie Dayan, dati rin nyang aide, ang kanya mga sinabi laban sa senadora.
Sinabi nilang "pinwersa" at "tinakot" lang daw sila ng mga opisyal ng gobyerno para gumawa ng bogus na akusasyon laban kay De Lima. Ilan sa mga opisyal na ibinulgar sa pananakot diumano ay si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre, bagay na kanyang itinanggi.
Kilala si De Lima bilang matinding kritiko ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na sa kanyang madugong gera kontra droga, human rights record at diumano'y extrajudicial killings.
"The numerous retractions of fabricated testimonies and alarming allegations of coercion are further damning evidence of the government’s undeniable role in de Lima’s arbitrary and lengthy detention, which clearly violates her rights to liberty, presumption of innocence and other fair trial guarantees," patuloy pa ni Chhoa-Howard.
Una nang sinabi ng Department of Justice na hindi magagamit ang pagbawi ni Espinosa sa mga drug charges laban kay De Lima lalo na't hindi naman daw kasi ginamit noon ng prosecution ang kanyang mga pahayag sa isang 2017 Senate hearing.
Dalawang drug cases pa rin ang binubuno ni De Lima ngayong 2023, dalawang taon matapos niya maabswelto sa isa pang drug-related charge.
"The Marcos administration must ensure the immediate and unconditional release of de Lima and drop all charges against her. The authorities must also conduct a thorough, independent, transparent and effective investigation into the attacks against her," patuloy pa ng opisyal ng HRW, habang iginigiit na dapat mapanagot ang mga "nagpahirap" daw sa opposition figure sa kulungan.
"De Lima should never have spent a day in prison, but instead she’s languished there for six years. The government must urgently give her the freedom and justice she deserves after such an appalling ordeal."
Oktubre 2022 lang nang i-hostage ng mga kapwa niya detainee sa Camp Crame si De Lima, dahilan para mailagay sa peligro ang kanyang buhay.
Mayo naman noong nakaraang taon nang manawagan ang anim na senador mula sa Estados Unidos para palayain si De Lima.
- Latest