Turkey-Syria muling niyanig ng magnitude 6.4 lindol: 3 patay!
MANILA, Philippines — Isang magnitude 6.4 na lindol ang tumama sa hangganan ng Turkey-Syria nitong Lunes, ayon sa European Mediterranean Seismological Center (EMSC).
Hindi bababa sa tatlong tao ang umano’y nasawi at mahigit 300 ang nasugatan, ayon sa mga opisyal ng Turkey.
Ang lindol ay tumama malapit sa Defne sa distrito ng Samandag ngunit naramdaman ito hanggang sa Jordan, Israel, at Egypt.
Ang unang lindol ay sinundan ng isang segundo na magnitude 5.8 na pagyanig.
Sinabi ni Lutfu Savas, ang alkalde ng Hatay na maraming mga gusali ang gumuho.
Ang nasabing lindol ay nagdulot ng takot at stampede sa Syria, na may ilang tao na tumatalon mula sa mga gusali, ayon sa UK-based Syrian Observatory for Human Rights.
Ang nasabing lindol ay kasunod ng dalawang malalaking lindol na tumama sa parehong rehiyon at nag-iwan ng hindi bababa sa 47,000 patay.
Sinabi ng Turkey’s Disaster and Emergency Management Authority (AFAD) na mahigit 6,000 aftershocks ang naitala mula nang tumama ang 7.8-magnitude na lindol sa Turkey at Syria noong Pebrero 6.
- Latest