Pinay, 3 anak patay sa Turkey earthquake
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng embahada ng Pilipinas na namatay ang isang Pinay at tatlo niyang anak sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.
“It is with deepest regret that the embassy must confirm that passing of a filipina housewife and her three children, previously reported to be missing under the rubble in Ankara,” pahayag ng embassy.
Kaagad umanong pinalibing ang bangkay ng Pinay ng kanyang Turkish na asawa at tatlong anak na nasawi.
Ayon pa sa embahada, mayroon silang 20 pamilya na kinakalinga na binubuo ng mga Filipino, kanilang mga anak at asawa gayundin ang mga senior citizen na nasa kanila ngayong shelter.
Karamihan umano sa kanila ay binigyan ng tulong base sa kanilang kailangan habang ang iba naman ay tumanggi umanong tulungan dahil hindi masyadong malala ang kanilang sitwasyon.
Patuloy rin umanong naghahanda ang embahada sa repatriation ng mga Pinoy na nais nang umuwi ng Pilipinas habang ang mga gustong manatili sa Turkey ay tinutulungan sila para sa housing at financial programs at iba pang serbisyo ng Turkish government.
Pebrero 6 nang yanigin ng 7.8 magnitude na lindol ang Turkey at kalapit nitong bansa na Syria.
Umabot sa 46,000 ang nasawi sa dalawang bansa dahil sa lindol.
- Latest