^

Bansa

Bong Go, ‘di titigil sa pagpapaunlad sa Mindanao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanumpa bilang ex-officio member ng MDA Nanumpa si Senator Christopher “Bong” Go bilang ex-officio member ng Mindanao Development Authority (MinDA) Board of Directors sa pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng ahensya sa Acacia Hotel sa Davao City.

Dinaluhan din ang event ng panauhing pandangal na si Vice President Sara Duterte-Carpio na nanguna sa oath-taking ni Go.

Naroon din sina MinDA chair Maria Belen Acosta, Executive Director USec. Janet Lopoz, at G. Paul Dominguez, dating Presidential Assistant para sa Mindanao at tagapangulo ng Mindanao Economic Development Council, ang pasimula ng MinDA.

Bilang isang Mindanaoan mismo, sinabi ni Go na ang Mindanao bilang “lupain ng pangako” ay isang pa­tuloy na panawagan at nangako siya na mag-aambag sa paglago at pag-unlad ng rehiyon.

“The land of promise is a continuing call. Ako po, bilang isang Mindanaoan, ay ipagpapatuloy ko po ‘yung tulong kung paano uunlad ang Mindanao,” sabi ni Go.

Pinuri ni Go si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang unang Pangulo ng Pilipinas mula sa Mindanao, sa kanyang papel sa pag-unlad ng rehiyon.

“Tayo po’y nasa babang parte. Ibig sabihin, medyo malayo sa seat of power sa gobyerno na nasa Luzon. Ngunit noong panahon po ni (dating) Pangulong Rodrigo Duterte ay nailapit niya ang gobyerno sa tao. Hindi po nahuli ang Mindanao sa development,” ani Go.

Kumpiyansa ang senador na malaki ang maitutulong ni VP Duterte-Carpio sa pag-unlad ng Mindanao, at idinagdag na hindi niya hahayaang mahuli ang rehiyon.

Naging highlight sa event ang ceremonial unveiling ng marker na inilagay sa ika-14 palapag ng Pryce Tower sa Davao City bilang pagpupugay kina dating Pangulong Duterte at Bise Presidente Duterte-Carpio sa kanilang huwarang pamumuno at kontribusyon sa pag-unlad ng Mindanao.

MDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with