^

Bansa

Pinakamalaking barko ng PCG, idineploy sa Kalayaan Island

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pinakamalaking barko ng PCG, idineploy sa Kalayaan Island
The 97-meter multi-role response vessel BRP Teresa Magbanua was seen docked at Pier 15, South Harbor in Manila on March 11, 2022.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Ipinadala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pinakamalaki nilang barko, ang BRP Teresa Magbanua sa Kalayaan Island Group upang palakasin ang presensya at operasyon ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu na base ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos. Inaasahan kasi na dadami na ang mga mangingisda sa WPS habang palapit ang tag-init.

Sumakay ang mga tauhan ng PCG sa mga fishing boats at pinayuhan ang mga mangingisdang Pinoy na radyuhan ang PCG o ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kapag mangailangan sila ng anumang tulong. 

Isang linggo makaraan ang pagpapatrulya sa KIG at mga paligid na karagatan, nakaengkuwentro ang BRP Teresa Magbanua ng isang Vietnamese fishing vessel sa may Recto Bank na nagsasagawa ng “long-line fishing”.

Nagbigay ng “radio challenge” ang PCG sa naturang dayuhang bangka upang umalis sa lugar na nasa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas saka nag-deploy ng “Rigid-hull Inflatable Boats (RHIBs)” para magkasa ng inspeksyon sa bangka.

Nang makitang nag-deploy na ang PCG ng RHIBs, agad na kinuha na ng mga mangingisdang Vietnamese ang linya nila saka umalis sa lugar habang inieskortan ng PCG.

“Despite the danger in patrolling our waters in the West Philippine Sea, the PCG’s men and women will always be prepared to fulfill our obligations not only to the present but also to the future generations of Filipinos to the fullest!,” ayon kay Abu.

PHILIPPINE COAST GUARD

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with