Unang kaso ng XBF, lokal na senior citizen
MANILA, Philippines — Isang senior citizen na walang history ng pagbiyahe sa labas ng bansa ang unang kaso ng XBF omicron subvariant.
”The first case detected here in the Philippines is from a Filipino senior citizen with no known history of travel,” pahayag ng Department of Health kahapon.
Ito’y makaraang kumpirmahin nitong Miyerkules na umabot na sa Pilipinas ang XBF subvariant na pinaniniwalaang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Australia at sa Sweden.
“The individual presented mild symptoms, and has already been tagged as recovered,” dagdag ng DOH.
Ipinaliwanag ng DOH na ang XBF ay “recombinant sublineage” o kumbinasyon ng Omicron BA.5 at BA2.75.
Klasipikado ito ng World Health Organization na “Omicron Subvariant under Monitoring” ngunit pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang tindi ng kakayahan nitong manghawa, umiwas sa immune system, at abilidad na magdulot ng malubhang sakit.
Idinagdag pa ng DOH na inaasahan naman ang pagsusulputan ng iba’t ibang mga variants pero mas importante umano na malabanan ito sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagpapa-booster ng publiko.
- Latest