100k slots ng TNVS, di lahat ibibigay sa Grab – LTFRB
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz na hindi ibibigay sa Grab ang buong 100k slots ng Transportation Network Vehicle Servces (TNVS) kundi ito ay bukas sa lahat na ang karamihan nito ay para sa mga motorsiklo at 4 wheel motor vehicles.
Sinabi ni Guadiz na magsasagawa muna sila ng public hearings sa iba’t ibang stakeholders at bubusisiin ito ng husto sa tulong ng Department of Transportation (Dotr) upang makapagpalabas ng kaukulang policy guidelines para dito.
Ayon kay Guadiz, kinokonsidera ang lahat ng factors sa pagkakaloob ng slots na ikakalat sa mga rehiyon laluna sa Visayas at Mindanao na magseserbisyo ng maayos sa mga commuters doon.
Binigyang diin nito na ang pagbubukas ng franchise slots ay may malaking tulong para magkaroon ng malaking opurtunidad ang mas maraming mamamayan bukod sa pagpapahusay ng serbisyo ng transportasyon sa bansa.
Ang paglilinaw ay ginawa ng LTFRB nang mapabalitang ang 100k slots ng TNVS ay ibibigay lamang lahat sa Grab.
- Latest