^

Bansa

VFA pa sa Australia, Canada, New Zealand, South Korea inihirit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi lamang sa Estados Unidos dapat ­ma­gsagawa ng Visiting Forces Agreement (VFA) ang Pilipinas kundi ma­ging sa Australia, Canada, New Zealand at South Korea.

Ito ang ginawang paghikayat ni 2nd District Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa administrasyon matapos mapaulat na ‘work in progress’ na ang planong VFA ng Pilipinas sa Japan.

Ayon kay Rodriguez, kailangang pagtuunan ng pansin ni Pangulong Marcos ang pagsusulong ng defense and security cooperation hindi lamang sa Japan kundi maging sa nabanggit pang mga bansang kaalyado ng Pilipinas.

Sinabi ng solon na tulad ng sa US, dapat ding makipagnegosasyon at magkaroon ang Pilipinas ng VFA sa naturang mga bansa sa gitna ng tumitinding banta ng China.

Matatandaan na ka­makailan lamang ginamitan ng China ng kanilang military-grade laser ang BRP Malapascua, ang Philippine Coast Guard vessel na nagresulta sa pansamantalang pagkabulag ng PCG crew.

Una rito, inianunsyo ni Pangulong Marcos ang kaniyang intensiyon na magpatibay ng VFA sa Japan sa pagbisita nito sa Tokyo.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Japanese gov’t na makiisa sa joint military exercises and humanitarian missions ng Pilipinas.

vuukle comment

VFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with