Contingency plan ng Metro Manila vs lindol, pinahahanda
MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Sen. Francis Tolentino na i-update ang contingency plan ng Metro Manila at buong bansa para sa pinakamalakas na posibleng maranasan na lindol.
Ayon kay Tolentino, dapat na i-update ang national building code para matiyak na matatag ang lahat ng gusali at imprastraktura sa lindol.
Dapat din umano na may telecommunication infrastractures na magagamit sa panahon ng emergency.
Iginiit pa ng Senador na dapat sa Metro Manila ay maghanda ng panibagong plano para sa epekto ng lindol dahil dumami na ang imprastraktura tulad ng mga bagong gusali sa Taguig City, Quezon City at maging sa may reclaimed area sa Pasay City.
Kasama na rin umano dapat sa plano ay ang pagdadagdag ng evacuation center at habang inihahanda ang mga ito ay dapat dalasan din ang mga mga earthquake drill.
Sinabi pa ni Tolentino na noong siya ang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay madalas ang earthquake drill sa Metro Manila.
Lumalabas sa pag-aaral na 7.2 ang pinakamalakas na lindol na maaaring yumanig sa Metro Manila.
- Latest