Christopher, nasabik kay Coco
Talagang na-excite ako na nag-umpisa na ang Batang Quiapo ni Coco Martin dahil kasama doon si Christopher de Leon na very excited din na makasama si Coco. Ibang tema ito ng action dahil madalas na merong comic moments.
Mahusay rin ang timing ni Coco Martin sa comedy kaya naman tiyak na magugustuhan ito ng televiewers. Maganda na ang lalaking artista rin ang suporta sa Batang Quiapo kaya tiyak na tulad ng Ang Probinsyano magtatagal din ito.
Bongga talaga basta project ni Coco Martin, iba ang dating ng production, malakihan talaga at walang pagtitipid kahit pa nga cost cutting ang lahat. Isa na naman itong magiging habit ng bawat TV viewers, ang gabi-gabing panonood ng Batang Quiapo. Bongga.
David, sumabit sa mga bus para sa ex!
Ang bongga naman ng Maria Clara at Ibarra star na si David Licauco.
Ikinuwento niya sa isang interview na hindi siya rich kid gaya ng inaakala ng marami. Nilantad niya na pinaghirapan niya ang lahat ng meron siya ngayon.
Ibinahagi niya na marami rin siyang karanasan na hindi malilimutan na katunayang simple lamang siya.
Naranasan niya raw na maglakad sa EDSA dahil hindi sapat ang perang dala niya para sa kanyang pamasahe. Mali raw ang inakala ng iba na nanggaling siya sa mayamang pamilya na hindi niya pinaghirapan ang mga bagay na meron siya.
Inalala niya rin kung paano siya sumabit sa mga bus para lang mapuntahan ang kanyang ex-girlfriend. Kaya naman proud daw siyang maranasan ang pagko-commute. Siguradong marami na namang hahanga sa guwapong binata na mala-Korean actor. Bongga.
- Latest