Pinay na '60 oras natabunan' sa Turkey quake nagpapagaling, inayudahan
MANILA, Philippines — Nakatanggap ng pinansyal na tulong ang Filipinang kasama sa mga naligtas sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey, ito habang patuloy siyang nagpapagaling sa ospital.
Ito ang ibinahagi ng Embahada ng Pilipinas sa Turkey, Martes, matapos iulat na umabot na sa 35,000 ang patay sa Turkey at Syria buhat ng lindol.
"The Mersin-based Embassy team visited Juliva Benlingan, previously reported missing, to check on her condition and to provide consolation for her traumatic experience," wika ng embahada.
"As she recovers well at an Adana hospital, she thanks God for a second chance at life and the Embassy for their well-wishes."
"The team provided her with financial assistance and gave her doctors and nurses tokens of our appreciation."
Una nang iniulat ng ABS-CBN News na 60 oras natabunan sa ilalim ng gusali si Juliva bago masaklolohan.
Huwebes nang ibalita ni Maribel Benlingan Liyab na nakaligtas sa naturang lindol ang kanyang kapatid, kahit una nang sinabi ng employer ni Juliva na namatay na siya matapos maiwan sa gusali.
"We are forever grateful for the 2nd life of our sister, Julz Benlingan," ani Maribel.
"And indeed God answered our prayers. From the bottom of our hearts, thank you so much."
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ibalitang namatay ang dalawang Pilipino sa Turkey, kabilang na riyan si Wilma Abulad Tezcan.
Inaasikaso na ng embahada ang pag-uwi kay Tezcan ngunit kinakailangan pa ng pagsang-ayon ng asawa ng isa pang overseas Filipino worker na nasawi bago maiuwi.
Bumisita naman si Philippine Ambassador to Turkey Maria Elena Algabre sa ilang Pilipino sa kanyang pagbalik sa Ankara upang tasahin nang maayos ang mga pangangailangan ng mga nabanggit sa lugar.
Kasama na riyan ang pagbibigay ng sapat na atensyong medikal sa mga nangangailangan.
"The Mersin-team is also in contact with a set of volunteers from the hospitality industry who have offered to provide food assistance to Filipino0Turkish families who chose to remain in Antakya and to the Philippine Humanitarian Contingent in Adiyaman Province," sabi pa ng embahada.
"We deeply appreciate the charity of fellow kababayans and our Turkish brethren."
- Latest