VFA ng Pinas sa Japan ‘work in progress’ na

MANILA, Philippines — “Work in progress” na ang posibilidad na magkaroon din ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan na kahalintulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

Ito ang naging tugon ni House Speaker Martin Romualdez ng matanong ng Filipino media sa press briefing sa Japan nitong Biyernes kung napag-usa­pan ang pagkakaroon ng mala-VFA na kasunduan.

“I think that’s ongoing. That’s ongoing...that’s what they call ‘a work in progress’. So there’s always conversations along those lines. And lines of communications are very, very wide open especially after the visit,” saad ni Romualdez na kabilang sa delegasyon ng Pilipinas sa 5 araw na working visit ni Pangulong Marcos sa Japan.

Sinabi ni Romualdez na bagaman mas pabor si Pangulong Marcos sa pagkakaroon ng multilateral agreements ay hindi rin nito isinasara ang pakikipag-uganayang bilateral sa Japan.

Kabilang naman sa napag-usapan nina Pa­ngulong Marcos at Japan Prime Minister Fumio Kishida ang pagpapa­lakas pa ng relasyon ng dalawang magkaal­yadong bansa sa lara­ngan ng depensa at seguridad.

Show comments