^

Bansa

Mga abusadong ina sa anak, pwedeng kasuhan ng ama - SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga abusadong ina sa anak, pwedeng kasuhan ng ama - SC
Undated file photo released by the United Nations Children's Fund shows children playing together outdoors.
UNICEF / Joshua Estey, File

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng Supreme Court na magsampa ng reklamo ang mga ama bilang kinatawan ng kanilang anak laban sa mga abusadong ina.

Sa 18-pahinang desisyon na pirmado ni Justice Mario Lopez nitong July 12, 2022 na nalathala nitong Pebrero 6, 2023, maaring sampahan ng mga ama ang ina ng kanilang anak ng paglabag sa Anti-Violence against Women and their Children (VAWC) Act.

Bagaman hindi kabilang ang mga lalaki na biktima, hindi naman umano pinagbabawalan ang mga ama na humingi ng mga solusyon dahil sa kasarian o hindi rin nangangahulugan na biktima siya ng pang-aabuso ng babae. 

Ang desisyon ay buhat sa kaso na inihain ng isang ama sa ngalan ng kaniyang anak na babae laban sa ina sa Taguig City Regional Trial Court noong Disyembre 2017.  

Pinagbigyan ng SC ang petition for certiorari at ipinag-utos sa Taguig na bigyan ng permanenteng proteksyon ang bata nang unang ibinasura ng mababang korte ang kaso. 

Ayon sa SC, pinapayagan umano ng RA 9262 ang ama ng bata na mag-aplay para sa proteksyon at kustodiya ng bata na nakararanas ng pang-aabuso at karahasan buhat sa ina. 

“Logically, a mother who maltreated her child resulting in physical, sexual, or psychological violence defined and penalized under RA No. 9262 is not absolved from criminal liability notwithstanding that the measure is intended to protect both women and their children,” saad ng SC. 

Wala umanong makitang pagkakaiba ang SC sa pagitan ng ina at ama na nang-aabuso ng kanilang anak para bigyan sila ng magkaibang pagtrato at eksempsyon sa batas. 

“Any violence is reprehensible and harmful to the child’s dignity and development,” dagdag ng SC.

 

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with