Bird flu sa mammals? DOH nakahanda
MANILA, Philippines — Naghahanda umano ang Department of Health (DOH) sa posibleng krisis sa kalusugan ukol sa H5N1 avian influenza na iniulat ng World Health Organization (WHO) na naipapasa na sa mga mammals.
“Matatandaan niyo may pumutok na ng ganitong balita sa ibang bahagi ng mundo kung saan H5N1 ay binabantayan. So, last year nag-convene tayo ng Interagency Committee on Environmental Health, kasama ‘yun sa mga parang strengthened ng surveillance,” ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Ngunit pinakalma naman ng WHO ang publiko dahil sa kasalukuyan, ang banta umano ng bird flu sa tao ay mababa pa rin.
Nitong katapusan ng Enero, sinabi ni Vergeire na wala pang naitatala ang DOH na kaso ng avian influenza sa tao sa Pilipinas.
“Wala pa tayong ni isang confirmed human avian influenza case and we want to be able to retain that status,” saad ni Vergeire.
Sa datos ng WHO, nasa 868 ang kaso ng H5N1 sa tao na iniulat sa 21 bansa. Sa naturang numero, 455 sa mga pasyente ang nasawi kaya naitala ang fatality rate nito sa 53%.
Bukod sa tao, natukoy rin ang sakit sa ilang uri ng mammals tulad ng foxes, otters, minks, sea lions at maging mga oso.
- Latest