^

Bansa

Plunder at graft, isinampa vs Bantag

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Plunder at graft, isinampa vs Bantag
Acting Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gregorio Catapang and Atty. Al Perrera file multiple charges, including 11 counts of malversation through falsification of public documents and 12 counts of violation of Code of Ethical Standards, against suspended BuCor chief Gerald Bantag at the Department of Justice on Monday.
Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Lalo pang nadagdagan ang mga kasong kinakaharap ni dating Bureau of Corrections (BuCor) head Gerald Bantag makaraang sampahan siya ng mga kasong plunder at graft sa Department of Justice (DOJ) kahapon.

Si BuCor acting director Gregorio Catapang Jr. ang naghain ng mga kaso laban kay Bantag. Kabilang dito ang 11 kaso ng “malversation through falsification of official documents”, 11 “graft”, at 11 paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees.

Sinampahan din si Bantag ng kasong admi­nistratibo dahil sa “grave misconduct, dishonesty and conduct prejudicial to the interest of the service”.

Ilan sa akusasyon laban kay Bantag ay ang maanomalyang bidding para sa konstruksyon ng tatlong bilangguan sa Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan at sa Leyte Regional Prison, na nagkakahalaga ng P1 bilyon. 

Sinabi ni Catapang na gumawa si Bantag ng hiwalay na Bidding and Awards Committee para sa naturang mga proyekto. Minaniobra umano ang naturang bidding nang magwagi ang Joint Venture ng CB Garay Philwide Builders at Rakki Corp. kahit na kulang-kulang ang mga ito sa requirements.

Ilan pa sa mga tauhan ng BuCor na kasama sa kaso ay sina: Correction Technical Supt. Arnold Jacinto Guzman; Correction Inspector Ric Rocaturba; Correction Inspector Solomon Areniego; Correction Technical Officer (CTO) 1 Jor-el De Jesus; CTO2 Angelo Castillo; at CTO2 Alexis Catindig.

Una nang nahaharap si Bantag sa dalawang bilang ng kaso ng pagiging utak umano sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Mabasa at inmate na si Jun Villamor.

 

BUREAU OF CORRECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with