^

Bansa

Higit 500 katao patay sa magnitude 7.8 lindol sa Turkey, Syria

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Tinatayang mahigit sa 500 katao ang nasawi sa dalawang bansa matapos ang 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa southern Turkey, Lunes ng madaling araw.

Base sa ulat ng CNN, tinatayang 284 ang nasawi at 2,300 ang nasugatan sa Turkey habang sa Syria naman ay 237 ang nasawi at 639 ang sugatan.

Habang sinusulat ang balitang ito ang kabuuang nasawi sa Turkey at Syria ay 521.

Ang nasabing lindol ay pinakamalakas na tumama sa Turkey sa nakalipas na 100 taon kung saan naram­daman din ang pagyanig sa mga kalapit na bansang Israel at Lebanon.

Dahil sa lakas ng pag­yanig ay nagbagsakan ang mga gusali doon kaya nagtakbuhan palabas ang mga residente sa mga kalsada.

Base sa ulat, tinata­yang 1,700 mga gusali ang nasira sa 10 Turkish cities.

Iba’t ibang lider naman sa buong mundo ang nagpahatid ng pakikiramay at nagpahayag ng kahan­daan sa pagtulong sa Turkey at Syria.

Base pa sa ulat, punuan na rin ang mga ospital sa Syria kung saan nakasalansan na lamang ang mga pasyente sa daanan matapos ang malakas na lindol.

Wala pa namang naiulat na Pinoy na nadamay sa nasabing paglindol.

Related video:

EARTHQUAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with