Philippine Navy warship binuntutan ng 4 Chinese vessels – PCG
MANILA, Philippines — Naging agresibo ngayon ang Chinese Coast Guard (CCG) sa Spratlys Island makaraang buntutan at bantayan ang isang barko ng Philippine Navy ng dalawa nilang barko katuwang ang dalawa pang militia vesssels, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Kinumpirma ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo ang ginawang pagbuntot ng dalawang CCG vessel sa BRP Andres Bonifacio (PS-17) warship malapit sa Mischief Reef at nasa 200 nautical miles ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas nitong nakaraang Sabado.
“The Chinese Maritime Militia “fishing vessels/boats” even conducted an intercept course towards the Philippine Navy warship,” ayon pa kay Balilo.
Nagsasagawa umano ng “patrol and search mission” ang BRP Andres Bonifacio nang buntutan ito ng dalawang CCG vessel at dalawang militia vessel.
Hindi naman umano nag-”interfere” sa BRP Andres Bonifacio ang CCG vessels at militia vessels sa operasyon at misyon ng barko ng Philippine Navy.
- Latest