MANILA, Philippines — Muling umapela ang pinatalsik na si Albay Governor Noel Rosal sa Supreme Court na maglabas na ng status quo ante order (SQAO) para makabalik na siya sa pwesto habang naka-pending sa korte ang kanyang petisyon kontra sa naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nag-disqualify sa kanya.
Sa 24 na pahinang mosyon ni Rosal, hiniling nito sa korte na irespesto ang boto ng mga taga-Albay. Nakakuha siya ng 469,481 vote kumpara sa kanyang kalaban na naka-238,746 lamang, sa kabila ng nakabinbing disqualification nito noong eleksyon.
Hiniling din ni Rosal sa korte na i-apply sa kanyang kaso ang nangyari sa disqualification case ng alkalde sa Agoo, La Union kung saan pinaboran nito ang binoto ng taumbayan sa kabila ng naka-pending na disqualification case ng alkalde.
Sa kanyang mosyon, sinabi pa ni Rosal na nabigo ang Comelec na maglabas ng Implementing Rules and Regulations (IRRs) para ipatupad ang probisyon ng Omnibus Election Code (OEC) na nag-disqualify sa kanya.
Saad pa sa mosyon, “The Comelec already ruled that I did not commit vote buying under Section 68(a) of the OEC and the assistance given to tricycle drivers and senior citizens were amounts due them and not for the purpose of influencing or inducing them to vote for me.”
Kaya nagkaroon umano ng “grave abuse of discretion” ang Comelec nang idiskuwalipika pa rin siya sa kanila ng desisyon na walang naganap na vote-buying at walang ebidensya na inimpluwensyahan niya ang mga botante.