Malamig na panahon, posibleng ngayong linggo na lang - PAGASA
MANILA, Philippines — Asahan na ang maalinsangan na panahon sa susunod na mga araw dahil sa pagtatapos ng hanging Amihan.
Ayon sa PAGASA, posibleng hanggang ngayong linggo na lamang maranasan ang malamig na temperatura dahil sa pag-iral ng mainit na panahon at pawala na ang makakapal na ulap sa mga susunod na araw na nagdudulot ngayon ng mga pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa.
Samantala ngayong linggong ito, makakaranas pa rin ang mga probinsya ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Bicol Region, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro ng maulap na papawirin hanggang sa may mga pag-ulan.
Bunga nito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto dahil maaaring magdulot ito ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Related video:
- Latest