^

Bansa

Remulla itinangging pinoproteksyunan si Duterte sa ICC probe vs drug war

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Remulla itinangging pinoproteksyunan si Duterte sa ICC probe vs drug war
Justice Secretary Crispin Remulla in a press conference at the Department of Justice building in Manila on September 28, 2022.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Tahasang itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinoproteksyunan niya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, binuweltahan ni Remulla ang ICC na siyang dapat magbigay sa kanila ng ebidensya na makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng DOJ sa mga naganap na pagpatay kaugnay ng “war on drugs” ng nakaraang administrasyon.

Muli niyang iginiit na may sariling korte ang Pilipinas na gumagalaw kaya hindi kailangan ang pag-usig ng ICC. Responsibilidad umano ng DOJ ang loob ng bansa kaya sila ang may karapatan sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Una nang sinabi ni Remulla na hindi “welcome” ang muling pagbubukas ng ICC sa imbestigasyon at nakakairita lamang ito. Hindi rin umano niya papayagan ang anumang galaw na kukuwestiyon sa soberenya ng Pilipinas.

Sa muling pagbubukas ng ICC sa imbestigasyon, sinabi nito na hindi sila kuntento sa isinagawang im­bestigasyon ng Pilipinas sa “war on drugs” at hindi ito sasapat para ihinto ang imbestigasyon nila.

Samantala, sinabi ni Remulla na may posibilidad na pag-usapan niya at ni Vice President Sara Duterte ang ICC probe, lalo na at nagkikita sila bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.

DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with