MANILA, Philippines — Nanatili sa 7.6 percent ang economic growth ng bansa sa ikatlong quarter ng taong 2022.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), kapareho lamang ito sa naitalang economic growth noong nakaraang Nobyembre.
Bagama’t magkapareho lang ang economic growth, kapansin-pansin na nagkaroon ng pagbabago lalo sa lahat ng industriya maliban sa public administration at defense pati na sa compulsory social activities.
Pangunahing contributors sa economic growth ang real estate at ownership of dwellings na pumalo sa 3.6 percent mula sa dating 3.1 percent; financial and insurance activities na pumalo sa 7.9 percent mula sa dating 7.7 percent at manufacturing na umakyat sa 3.8 percent mula sa 3.6 percent.
Nabatid na sa buong 2022, inaasahang papalo sa 6.5 hanggang 7.5 percent ang full-year GDP growth ng bansa.