10 big-time ‘smugglers’ pinangalanan sa Kamara
MANILA, Philippines — Ibinuking na nitong Lunes ng isang mambabatas ang 10 mga pangalan ng Chinese-led mafia na sangkot umano sa large scale smuggling ng mga produktong agrikultura sa mga lokal na pantalan sa bansa.
Sa pagsisimula ng paggulong ng imbestigasyon ng House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda sa isyu ng ‘agricultural smuggling’ sa kaniyang sponsorship speech ay tuluyan nang pinangalanan ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr. ang mga sangkot sa large scale smuggling.
Ibinulgar ni Suansing na ang mga ito ay kinabibilangan ng mayayamang negosyanteng Chinese na sina Michael Ma, Lujene Ang, Andrew Chang, Lugene Ang, Manuel Tan, Lucio Lim, Gerry Teves, Beverly Peres, Leah Cruz, Jun Diamante at isang kinilala lamang sa pangalang Aaron.
Kasabay nito, hiniling ng solon na i-subpoena ang 10 na kaniyang unang binanggit bilang pampagana muna sa imbestigasyon.
Samantala ang mga consignees na umano’y sangkot din sa illegal na aktibidades at mga kasabwat ng mga ito na tinukoy rin ni Suansing na kinabibilangan naman ng Victory JM Enterprises, Taculog International Consumer Goods Trading, Asterzenmed Aggregates, Veneta Consumer Goods Trading, Lalavy Aggregates Trading, Frankie Trading Enterprises, Primex Export-Import Producer, SB Express Logistics Business Solution,Silver Pop Dry Goods Trading,Thousand Sunny Enterprises, Viogelas Viol Aggregates Trading, Junezone Dry Goods Trading at Burias Jang Consumer Goods Trading.
Base sa data, sinabi ni Suansing na ang kabuuang halaga ng inimport na produktong agrikultura na pumasok sa Pilipinas mula sa ibang bansa ay nasa $14-M. Gayunman ayon sa United Nations Trade Statistics, ang Chinese agricultural at fish exports sa Pilipinas ay nasa $138-M ‘di pa kasama ang mga prutas kung saan lumilitaw na nasa $124-M ang gap sa nasabing data.
- Latest