Tapyas-taripa sa EV, spare parts, deboned meat aprub kay Pangulong Marcos

A staff charges an electric vehicle using the newly installed fast charger at the UP Diliman Electrical and Electronics Engineering Institute in Quezon City on December 21, 2021.
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangu-long Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang pagbawas ng mga rate ng taripa sa mga imported na electric vehicle (EV), mga piyesa at components nito, upang palakasin ang EV market sa bansa.

Nilagdaan ni Marcos ang Executive Order (EO) 12 matapos iendorso ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board noong Nob. 24, 2022 ang pansamantalang pagbabawas ng mga tariff rates ng Most-Favored Nation (MFN) sa ilang mga EV at kanilang mga parts sa loob ng limang taon.

Sa ilalim ng EO 12, ang mga rate ng taripa ng MFN sa mga buong unit ng ilang partikular na EV gaya ng mga pampasaherong sasakyan, bus, minibus, van, trak, motorsiklo, tricycle, scooter at bisikleta ay pansamantalang ibababa sa zero sa loob ng limang taon.

Pero hindi sakop ng EO ang mga hybrid-type na EV.

Ang mga rate taripa sa ilang bahagi at bahagi ng mga EV ay ibababa din sa 1 porsyento mula sa 5 porsyento sa loob ng limang taon, ayon sa EO 12.

Layun ng EO na hikayatin ang mga mamimili na tangkilikin ang mga electric vehicles bilang isang mas malinis at ”greener transportation option.”

Samantala, nilagdaan din ni Marcos ang EO 13 na pansamantalang nagpapanatili sa mas mababang import duty rates sa mechanically deboned meat (MDM) ng manok at pabo.

Pananatilihin muna ang 5-percent tariff rates sa MDM poultry hanggang Disyembre 31, 2024 upang matiyak ang patuloy na suplay ng mga pagkain sa abot-kayang presyo at matulungan ang mga negosyo na makabawi at mapanatili ang kanilang operasyon.

 

 

Show comments