Villar, tiniyak ang mas maraming tulong sa Mindanao farmers

MANILA, Philippines — Dahil ang Mindanao ang nagsusuplay ng 40% na kailangang pagkain ng bansa at nag-aambag ng  30% sa national food trade, siniguro ni Sen. Cynthia A. Villar na higit niyang palalakasin ang paglago ng sektor ng agrikultura.

Bilang mambabatas, sinabi ni Villar na gumawa at isinulong niya ang mga batas upang mapabuti ang pamumuhay ng ­ating mga magsasaka at stakeholders ng industriya ng agrikultura.

Guest Speaker ang senador, chairperson ng Senate committee on agriculture and food, sa Kilusang Pagbabago (KP) 1st Regional Farmers Summit na idinaos sa Corpus Christi Gym, Macasanding, Cagayan De Oro City noong January 19.

Tema ng KP’s 1st summit ang “Unity of the Farmers are the new Challenge of the Future for Sustainable Development.”

Sa summit, inilatag ng senador ang mga ginawa at itinaguyod niyang batas upang tulungan ang ­Mindanao, kung saan nakalaan ang 1/3 ng lupa nito sa agrikultura. 

Ang Kilusang Pagbabago (KP) ay samahan na naglalayong baguhin ang buhay ng mga mamamayan alinsunod sa mga programa ni dating President Rodrigo Duterte.

Ang mga programang ito ay laban sa krimen, droga at korapsyon, pagpapalakas sa social services; pagtataas sa kalidad ng pamumuhay at ang katahimikan, pagkakaisa.

 

 

 

 

Show comments