Dagdag insentibo sa kumpanya na tatanggap ng senior citizens
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang mga pribadong sektor na palawakin ang oportunidad ng trabaho para sa mga senior citizens na nais pang maghanapbuhay para matugunan ang pinansyal na mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Ayon kay Duterte, may kakayahan pa rin ang mga senior citizens na makapag-ambag sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Sa House Bill 2384 na inihain ni Duterte, itataas ang insentibo sa buwis ng mga pribadong kumpanya na tatanggap ng mga senior citizens na produktibo at nais pang magtrabaho.
Sa ilalim ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act, itinatakda dito ang 15% na kakaltasin sa mga firms na magha-hire ng mga senior citizens. Samantalang sa panukala ni Duterte, itataas ito sa 25%.
“Age has been a constant barrier to opening employment opportunities for many of our physically and mentally able senior citizens who want to continue working to help augment the meager pension and retirement savings they have,” ani Duterte.
Base sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), 8.5% ng populasyon o nasa 9.22 milyong katao ay nasa edad 60- anyos hanggang nitong 2020. Mas mataas ito ng 7.5% o 7.53 milyong senior citizens noong 2015.
Sa pagtataya ng Commission on Population and Development (POPCOM), 14% ng kabuuang populasyon ay 60-anyos na sa 2035 kung saan hinikayat ang pamahalaan na simulan ng isaayos ang proteksiyon sa lipunan at kaayusan ng kalusugan ng mga nakakatandang Pilipino.
- Latest