^

Bansa

Mahusay na cybersecurity ng Philippines, inilahad ni Marcos sa Davos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mahusay na cybersecurity ng Philippines, inilahad ni Marcos sa Davos
Sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, nagkaroon din siya ng pagkakataon para makasama sa isang pribadong pulong si WEF Founder at Executive Chairman Professor Klaus Schwab.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland ang mahusay na cybersecurity system sa bansa.

Sa nasabing forum, inilahad ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mas mahusay na cybersecurity system para mapangalagaan ang mga sensitibong impormasyon.

Iginiit pa ng Pangulo na isang malaking isyu ang seguridad kaya kailangan na makalikha nang mas matatag at mas matibay na sistema laban sa cyber attack.

Inamin din ng Pa­ngulo na napakabagal ng internet connectivity sa Pilipinas kaya kailangan pa ng pamahalaan na maikonek ang milyun-milyong Filipino at maisulong ang digital economy.

Nakakalungkot din umano na base sa mga isinagawang pag-aaral ay nag-uusap ang mga Filipino at nagpapaabot ng kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng internet subalit hindi kinakausap ang gobyerno.

Dahil dito kaya kumikilos na ang mga lokal na pamahalaan para matiyak ang siguradong internet connectivity infrastructure sa kanilang mga nasasakupan upang mara­ting at makaugnayan ang kanilang mga residente na nasa malalayong lugar.

Sinabi pa ni Marcos na ito ngayon ang ginagawa ng gobyerno para bubuin ang data basis ng gobyerno at isa na rito ang paggamit ng national ID para mapabilis ang public at private transactions.

Inihayag din niya na welcome sa pamahalaan ang anumang tulong para mapasigla ang mga i­nisyatibo sa digitalization.

Nabatid na sa ilalim ng administrasyong Marcos pinagana muli ang libo-libong mga dating off-line areas na nasa ilalim ng broadband ng masa at libreng wifi program ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

vuukle comment

WEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with