^

Bansa

7.3 magnitude lindol tumama malapit Indonesia; pinsala, aftershocks posible sa Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
7.3 magnitude lindol tumama malapit Indonesia; pinsala, aftershocks posible sa Pilipinas
Kuha sa Saragani, Davao Occidental mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang malakas-lakas na 7.3 magnitude na lindol ang yumanig malapit sa Indonesia at bandang Mindanao, bagay na maaaring magdulot ng "parehong pinsala at aftershocks" kahit sa Pilipinas sabi ng state seismologists.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang naturang lindol bandang 2:06 p.m. Naobserbahan naman ang epicenter nito 352 kilometro timogsilangan ng Sarangani, Davao Occidental.

Sa kabila nito, mas malapit ang pinangyarihan nito sa bansang Indonesia kaysa sa Pilipinas.

Narito ang mga naiulat na "instrumental intensities" sa ngayon:

Intensity II (slightly felt)

  • Don Marcelino, Davao Occidental
  • Nabunturan, Davao de Oro
  • Glan at Kiamba, Sarangani
  • General Santos City, Tupi, Santo Niño, Koronadal City at T'Boli, South Cotabato

Intensity I (scarecely perceptible)

  • Kidapawan City, Cotabato
  • Maitum at Maasim, Sarangani
  • Tantangan, Lake Sebu, Tampakan, Suralla at Norala, South Cotabato
  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur

Bagama't mahina-hina pa lang ang mga instrumental intensities na naitatala ng gobyerno, "expecting damage" at "expecting aftershocks" ang ibinabalita sa ngayon ng Phivolcs.

Wala pa namang banta ng tsunami sa ngayon sa Pilipinas. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

DAVAO OCCIDENTAL

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

SARANGANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with