^

Bansa

Holiday economics law pinaaamyendahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Holiday economics law pinaaamyendahan
As shown in the image families celebrate Christmas Day at Rizal Park in Manila on Dec. 25, 2022.
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo na amyendahan ang Holiday econo­mic law para mapalakas ang domestic tourism ng bansa at maisulong ang work-life balance ng mga empleyado at mga estudyante.

Sa Senate Bill 1651 ni Tulfo, pinaamyendahan nito ang Republic Act  no. 9492 kung saan naglalayong ilipat sa araw ng Lunes ang lahat ng holidays na papatak ng araw ng Sabado at Linggo.

Naging batas ang holidays economic noong panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo at doon inumpisahan ang pagli­lipat ng regular at special holidays sa pinakamalapit na araw ng lunes  kapag pumatak sa weekend para mapalakas ang domestic tourism.

Nakansela ang nasabing practice noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino na nagpalabas ng proclamation no. 82 na nagtakda na gunitain ang holiday kung saan mismong anong petsa ito pumatak.

Ayon kay Tulfo, mayroong 18 national holidays na ginugunita ang bansa kada taon at apat dito ay kinokonsiderang special non working holiday.

Sa ilalim ng panukala ng Senador tuwing unang Lunes ng Disyembre ng kada taon ay maglalabas ng proklamasyon ang pangulo sa mga petsa na idedeklara na non-working holiday para sa  susunod na taon.

Naniniwala si Tulfo na  ang dagdag na long weekends ay malaking tulong para makabawas sa nararamdamang stress at burnout gayundin ang pagsusulong ng ‘work life balance’. para sa mga manggagawa at mga estudyante.

HOLIDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with