^

Bansa

Mas maraming investments, target ni Pangulong Bongbong Marcos sa Switzerland trip

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mas maraming investments, target ni Pangulong Bongbong Marcos sa Switzerland trip
Pasakay ng eroplano sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Maharlika Building sa Villamor Airbase (VAB), Pasay City upang dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Lumipad na patungong Davos, Switzerland si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa World Economic Forum (WEF) 2023 kung saan pakay nito na makapag-uwi ng oportunidad at investment sa bansa.

Si Marcos ay sumakay ng eroplano mula sa Villamor Air Base sa Pasay City dakong alas-9 ng umaga kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang kanyang economic team.

Sa departure speech ng Pangulo, sinabi niya na layon niya na itulak ang kahandaan ng bansa sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya.

“The World Economic Forum is hosting a Country Strategy Dialogue for us where we are given the opportunity to promote the Philippines as leader and driver of growth and a gateway to the Asia-Pacific region– one that is open for business – ever ready to complement regional and global expansion plans of both foreign and Philippine-based enterprises anchored on the competent and well-educated Filipino workers, the managers, and professionals,” sinabi pa ni Marcos.

Bukod dito, naghahanap din umano siya ng magiging katuwang na susuporta sa “ambitious plan” ng administrasyon para makapagpatayo ng mas maraming imprastraktura at tiyakin ang “food at energy security” sa panahon ng WEF sa Davos.

Tiwala naman si Marcos na sa kanyang inaugural participation sa WEF sa Davos ang pangangailangan at sama-samang pagtutulungan para sa post pandemic economic recovery efforts na matugunan ang kasalukuyang pangunahing hinaharap tulad ng pagtaas sa presyo ng mga bilihihin at pagkain dulot na rin ng kaguluhan sa ibang bahagi ng mundo at matinding banta ng climate change.

Sa kabila nito, looking forward naman ang Pangulo na makapulong ang iba’t ibang gobyerno at business leaders sa WEF at palakasin ang partnerships sa mga ito.

WEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with