^

Bansa

Marcos nagpasaklolo sa pribadong sektor vs smuggling

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos nagpasaklolo sa pribadong sektor vs smuggling
President Ferdinand Marcos Jr. speaks in this undated photo.
Office of the Press Secretary

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo na sa pribadong sektor si Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng kanyang planong paigtingin ang paglaban sa talamak na smuggling sa bansa.

Sa isang pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Palasyo ng Malacañang sa Maynila noong Huwebes, nagpahayag nang pagkadismaya si Marcos dahil hindi masugpo ang smuggling.

Sinabi ni Marcos na bagaman at mayroong sistema, hindi naman ito gumagana.

“To be brutally frank about it, we have a system but they are not working. The smuggling here in this country is absolutely rampant. So it does not matter to me how many systems we have in place, they do not work,” ani Marcos sa PSAC.

Ayon sa Pangulo, dapat maghanap ng ibang paraan at hindi maaaring umasa sa kasalukuyang sistema na napatunayang hindi epektibo.

Ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ay dapat din anyang kumilos at maging mas “innovative” upang matugunan ang problema.

Ipinunto ni Marcos sa nasabing meeting ang pangangailangan na matugunan ang isyu ng “inefficiency” sa mga paliparan at daungan ng bansa.

Nais ng Pangulo na magkaroon ng reporma sa burukrasya upang masugpo ang smuggling, bawasan ang mga gastos sa logistica, at tiyakin na maging madali ang pagnenegosyo sa bansa.

Ang pagbubukas ng database sa Bureau of Customs at Department of Agriculture ay isa sa mga rekomendasyon na ginawa sa pagpupulong ni Marcos sa PSAC upang matiyak ang “efficient sharing of information.”

FERDINAND R. MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with