8 NPA commanding officers, sumuko sa pamahalaan
MANILA, Philippines — Walong commanding officers ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan upang magkaroon ng maayos at tahimik na buhay.
Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta kahapon ni Interior and Local Governement Secretary Benhur Abalos ang 8 NPA commanding officers kasunod ng programa ng pamahalaan na matapos na ang insurgency.
Paliwanag ni Abalos, sa pagiging commanding officers indikasyon lamang na matagal at mahaba na ang kanilang pagiging miyembro sa samahan. Kaya ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng interventions upang mahikayat ang lahat ng rebelde na makipagtulungan na lamang sa pamahalaan.
Nagtulak sa mga surrenderees ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagkatiwalaan ang pamahalaan para sa mas maayos na pamumuhay.
Kailangan lamang na maipakita sa mga ito na sinsero ang pamahalaan sa lahat ng sinasabi at ginagawa upang makita din ng iba pang lider at miyembro at magpasyang sumuko.
Aniya, kusang loob na nagbalik-loob ang mga rebelde sa pamahalaan dahil sa ginagawang mga hakbang ng gobyerno upang sila ay matulungan.
Kabilang dito ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP program, pagkakaloob sa mga ito ng skills and training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), pagbibigay ng hanapbuhay at pagtanggap sa kanila ng komunidad.
- Latest