^

Bansa

51% ng pamilyang Pinoy 'mahirap' tingin sa sarili sa pagtulin ng inflation — SWS

James Relativo - Philstar.com
51% ng pamilyang Pinoy 'mahirap' tingin sa sarili sa pagtulin ng inflation — SWS
This photo taken on November 29, 2022 shows a group of homeless people preparing to sleep next to their pushcart outside an abandoned building in Quezon City, suburban Manila. Pushcarts, known as karitons, are a common sight in the city of more than 13 million people. Often made from scraps of wood, the human-powered carts are used as shelter, storage and a source of income, such as collecting trash to sell to recyclers.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Bahagyang dumami ang pamilyang Pilipinong nagsasabing sila'y naghihirap nitong Disyembre sa 51% ayon sa Social Weather Stations, mas mataas sa 49% noong Oktubre — ito kasabay ng pinakamabilis na pagsirit ng presyo ng bilihin sa 14 taon.

Tumalon kasi patungong 12.9 milyon ang "mahihirap" na pamilyang Pilipino, bagay na 300,000 mas marami kumpara noong Oktubre 2022.

Sa mga pamilyang "mahirap" ang tingin sa sarili nitong Disyembre, ipinakita ng SWS na 2 milyon dito ang bago lang habang 5.2 milyong pamilya naman ang kakasali pa lang sa 12.6 milyong "not poor."

Mula sa 21%, kumonti naman sa 19% ang mga nagsasabing hindi na sila mahihirap. Sa kabila nito, umakyat patungong 31% ang mga nasa hangganan ng pagiging mahirap at hindi.

Iniugnay ng SWS ang 2-point rise sa self-rated poverty sa pagtalon ng 13-puntos sa bilang ng mahihirap sa Balance Luzon (49%), 12-puntos na pagbaba nito sa Metro Manila (32%), 10-puntos na pagbagsak nito sa Visayas (58%) at 5-puntos na pagdulas nito sa Mindanao (59%).

'Borderline poor' umangat sa halos lahat ng lugar

Umakyat naman sa lahat ng lugar ang bilang ng mga pamilyang nagsasabing "nasa hangganan" sila ng pagiging mahirap at hindi, lalo na sa Visayas na nakaranas ng 13-point increase (34%). Maliban ito sa Balance Luzon, kung saan 5-puntos ang ibinagsak nito sa 30%.

Umangat naman patungong 39% (six points pataas) ang mga nagsabing hindi sila mahirap sa Metro Manila, habang umangat naman ito sa 11% sa Mindanao. Bumaba ito sa Balance Luzon sa 20% at sa Visayas patungong 9%.

Nananatiling nasa P15,000 ang "self-rated poverty threshold" sa ngayon, ayon sa SWS. Ito ang itinuturong minimum na buwanang budget na sinasabing kailangan ng mga mahihirap para sa gastusin sa bahay upang hindi nila tignan ang sarili bilang nagdarahop.

"[The SRP threshold] has remained sluggish for several years despite considerable inflation. This indicates that poor families have been lowering their living standards, i.e., belt-tightening," dagdag pa ng survey firm.

Food poor Pinoys ganun pa rin

Nananatili naman sa 34% ang porsyento ng mga pamilyang tinitignan ang sarili bilang "food poor" batay sa kanilang kinakain. Hindi ito nagbago mula Oktubre hanggang Disyembre at kumakatawan sa 8.7 milyong pamilya.

  • borderline food poor (38%)
  • hindi foor poor (28%)

Dagdag pa ng SWS, bumaba ang self-rated food poverty threshold sa P7,000 mula P8,000 habang ang median self0rated food poverty gap ay nananili sa P3,000 sa nakalipas na limang kwarto.

Sinasabing walang nagkomisyon sa naturang pag-aaral at siyang ginawa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre, 2022 sa pamamagitan ng harapang panayam ng 1,200 katao edad 18-anyos pataas. Tig-300 ang kinuha sa bawat rehiyon. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

POVERTY

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with