La Niña, posibleng matapos ng Pebrero — PAGASA
MANILA, Philippines — Inaasahan ng PAGASA na matapos na ang panahon ng La Niña phenomenon sa Pebrero.
“La Niña is currently affecting the country. That’s why some parts of the Philippines are experiencing near to above-normal rainfall during the previous month and the current month,” pahayag ni Chris Perez, weather forecaster.
Sinabi ni Perez na oras na matapos ang La Niña sa Pebrero ay babalik ang neutral phase ng El Niño-Southern Oscillation o panahon na normal na panahon ang mararanasan.
Sa panahon ng La Niña ay palagiang may ulan na minsa’y nagdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sinabi ni Perez na zero o isang bagyo ang inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area sa layong 355 kilometro silangan hilagang silangan ng Surigao del Norte pero malabo naman ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.
- Latest