^

Bansa

Marcos nangako ng pabahay sa mga naapektuhan ng baha sa Misamis Occidental

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos nangako ng pabahay sa mga naapektuhan ng baha sa Misamis Occidental
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. gave a press briefing in Indonesia.
The STAR / Alexis Romero

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong  Miyerkules ang National Housing Authority (NHA) na maghanap ng resettlement area para sa mga residente ng Misamis Occidental na ang mga bahay ay nawasak sa mga pagbaha kamakailan.

“Nag-coordinate na kami sa National Housing Authority. ‘Yung mga bahay na totally destroyed, hahanapan natin ng resettlement area para magkaroon ng tirahan,” ani Marcos sa ginawang pamamahagi ng tulong sa “The Working Congressman Sports Complex” sa munisipalidad ng Tudela.

Tiniyak ni Marcos na kapag natukoy na ang isang relocation area ay magpapadala ang gobyerno ng mga materyales sa pagtatayo ng bahay.

Dapat anyang matibay ang mga flood-control structures, na nagsisilbing unang linya ng depensa laban sa mga baha at umaapaw na ilog.

“Kaya naman titingnan natin ang lahat para gumawa tayo ng solusyon. Patuloy tayong maghuhukay sa mga ilog para gawing malalim, para hindi mabilis na – mabilis na lumabas ang tubig sa ilog at patuloy natin patitibayin ang mga flood control natin,” ani Marcos.

“Ngunit, sa long-term kailangan nating isipin kung papaano natin gagawin para hindi na talaga mauulit. Wala na tayong risk na ganito ang mangyayari,” dagdag ng Pangulo.

Tiniyak din ni Marcos sa mga residente ng Misamis Occidental na ang kanyang pamahalaan ay patuloy na magbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, tulad ng mga relief goods, maiinom na tubig, damit, at pansamantalang tirahan para sa mga lumikas.

“Nandiyan ang DSWD (Department of Social Welfare and Development), nandiyan po lahat ng ating ahensya na maaari ninyong lapitan nang makasiguro kami na lahat ng mga pangangailangan ninyo ay nabibigay,” ani Marcos sa mga residente.

Ayon sa mga lokal na opisyal, mahigit 16,000 pamilya ang naapektuhan ng baha.

vuukle comment

NHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with