MANILA, Philippines — Kagagawan umano ng kartel ang mataas na presyo at kakapusan sa supply ng sibuyas.
Ito ang ibinunyag ni Senador Cynthia Villar chairman ng Senate Committee on Agriculture Food and Agrarian Reform.
Ayon kay Villar, noong 2013 pa nila natukoy ang kartel at siyang binabarat ang mga magsasaka ng mga namimili ng sibuyas.
Sila rin ang nag-iimport ng sibuyas para kontrolado nila ang supply kaya naman nagkakaroon ng artificial demand.
Dahilan ito para tumaas ang presyo ng kanilang mga supply ng sibuyas.
Samantala sa target naman na importasyon ng sibuyas, sinabi naman ni Villar na dapat magkaroon ng sapat na justification na kulang ang supply ng sibuyas bago umangkat nito ang gobyerno.