First Lady Liza Marcos nagbabala sa gumagamit ng kanyang pangalan

First Lady Liza Araneta-Marcos together with President Ferdinand Marcos Jr., at Villamor Air Base in Pasay City on Dec. 16, 2022.
Facebook/Liza Araneta

Para ma-appoint sa gobyerno

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si First Lady Liza Araneta-Marcos laban sa mga gumagamit ng kanyang pangalan upang magkaroon ng puwesto sa gobyerno.

Sa isang video na kumalat sa social media, sinabi ni Marcos na isusumbong niya sa kanyang asawa na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan upang hindi ang mga ito ma-appoint.

“If  I find out that somebody is using my name, I shall tell my husband not to appoint you, okay?” anang Unang Ginang.

Ginawa ni Marcos ang video habang naglalakad sa loob ng Presidential Security Group (PSG) Compound.

Pinabulaanan din ng Unang Ginang na may kinalaman siya sa pagtatalaga ng mga opisyal sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines dahil ang lahat ay ipinapaubaya niya sa kanyang asawa.

“This is Liza, and I’m walking in the PSG Compound. I just want everyone to know that I have nothing to do with ISAFP. I don’t know the people involved. I have nothing to do with the appointments, I leave that up to my husband,” ani Marcos sa ginawang video.

Sa huli ay sinabi ni FL Liza na hindi niya gusto at napapagod na siya sa mga taong gumagamit ng kanyang pangalan.

Nakiusap din ito na ipakalat ang kanyang ginawang video.

“So, I hope this is clear... for everyone…can you please disseminate this to everybody? Because I am sick and tired of people using my name. Okay. Thank you very much. Bye!” ani FL Marcos.

Show comments