^

Bansa

Angat at Ipo dam, nagpakawala ng tubig

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Angat at Ipo dam, nagpakawala ng tubig
File photo Angat Dam.
Ernie Peñaredondo / FIle

MANILA, Philippines — Nagbawas ng tubig ang Angat Dam at Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan doon dulot ng amihan.

Ayon sa PAGASA, nagbukas sila ng tatlong gate sa Angat ng 8.5 meters dahil malapit nang maabot ng dam ang spilling level nito samantalang ang Ipo ay nagbukas ng anim na gate na may 9.2 meters.

Ang reservoir Water level ( RWL) ng Angat kahapon ng umaga ay nasa 215.03 meters na mataas sa spilling level o  normal high water level (NHWL) na 212 meters.

Samantala ang RWL ng Ipo Dam ay naitala sa 101.04 meters malapit sa NHWL na 101.10 meters.

“Tuluy-tuloy ang pag-release ng Angat Dam dahil tuluy-tuloy pa rin ang pag-ulan kahit na light rains. Pero ‘yung mga tubig ulan na bumagsak sa kabundukan ay kasalukuyan pa lang na bumababa sa watershed ng Angat kaya continuous po ang release niya,” sabi ni Ailene Abelardo, hydrologist ng Hydrometeorology Division ng PAGASA.

Sinabi ni Abelardo na ang mga komunidad na apek­tado ng paglabas ng tubig ay mga bayan ng Angat, San Rafael, Bustos, Baliwag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong at Hagonoy.

Ayon sa PAGASA, patuloy na nakakaranas ng mga pag-uulan sa ibat ibang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng amihan.

ANGAT DAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with