^

Bansa

Presyo ng fertilizer bababa dahil sa mga nakuhang deal sa China - Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na bababa na ang presyo ng fertilizer sa bansa dahil sa mga nakuhang kasunduan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China.

Ayon sa Malacañang, mababawasan ang presyo ng pataba at malaking tulong ito sa mga magsasaka at pagtiyak ng food security.

Dalawang Chinese fertilizer-manufacturing company ang pumirma kamakailan ng cooperation agreement sa Philippine International Trading Corp. (PITC) para matiyak ang suplay sa makatwirang presyo.

Nauna nang sinabi ni Marcos na inasahan na nila ang tuluy-tuloy na supply ng fertilizer inputs na kaila­ngan ng mga magsasaka.

Sa kanyang tatlong araw na pagbisita sa estado sa China, nakakuha rin si Marcos ng USD2.09 bilyon na “purchase intentions” para sa mga prutas ng Pilipinas, tulad ng durian, niyog, at saging.

Binigyang-diin niya na ang economic fundamentals ng Pilipinas ay “nananatiling matatag at patuloy na umuunlad”.

FERTILIZER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with