^

Bansa

Mga naputukan ngayong 2023, mas mataas ng 62%

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas mataas ng 62% ang bilang ng biktima ng paputok ngayong 2023 kumpara noong nakaraang taon makaraang maitala ito sa 307 insidente, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos mula sa 16 na sentinel hospital para nitong Enero 5-6, na­dagdagan ang bilang ng naputukan ng 16 na kaso para umakyat ito sa kabuuang 307. Nakapagtala lamang noong 2022 mula Disyembre 21 hanggang Enero 6 ng 189 ‘fireworks related injuries’.

Ito na ang huling araw ng monitoring ng DOH sa mga insidente ng nabiktima ng paputok sa bansa kaugnay ng Iwas-Paputok 2022-23 na kampanya ng pamahalaan.

Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa pinakamaraming kaso sa naitalang 37, kasunod ang Western Visayas (37), Ilocos Region (33), Central Luzon (24) at Calabarzon (18).

Karamihan o 245 sa mga biktima ay mga lalaki na may edad 1-80 taong gulang. 

Nangunguna sa pinakamapanganib na uri ng paputok ang boga, kwitis, 5-star at fountain.

Isang kaso ng stray-bullet sa Maynila ang naitala habang dalawang kaso pa ang biniberepika sangkot ang isang 14-anyos na lalaki sa BARMM at 27-anyos na babae sa Calabarzon.

Itinuturing ng DOH na ang mas mataas na kaso ay bunsod ng mas maluwag na protocols na ipinatutupad ngayon ng pamahalaan kaugnay ng COVID-19.

 

FIREWORKS-RELATED INJURY SURVEILLANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with