^

Bansa

Top PNP officers, ayaw mag-resign

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Top PNP officers, ayaw mag-resign
Ipinapakita ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang kopya ng kanyang courtesy resignation bilang pagtalima sa panawagan ni DILG Secretary Benhur Abalos, sa isang press conference sa Camp Crame, kahapon.
PNP PIO

MANILA, Philippines — Marami umano sa mga senior officers ng Philippine National Police (PNP) ang tumangging sumunod sa panawagan ni Interior and Local Government  Secretary Benhur Abalos na magbitiw.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., personal at career ang dahilan ng nasabing mga senior police officers.

Kahapon ay nagsu­mite ng kanyang resignation si Azurin na naka-addressed kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa ‘clean­sing’ sa kanilang hanay kontra iligal na droga.

Sinabi ni Azurin na handa siya sa evaluation at assessment ng komite na magdedetermina kung may kinalaman siya sa bentahan ng iligal na droga at pangungunsinti sa kanyang mga tauhan na sangkot dito.

“Actually lahat kami rito, ‘yung command group ko, they have already submitted… On the record, nauna pa ‘yung command group ko na mag-submit sa akin,” ani Azurin sa isang briefing sa Camp Crame.

Ayon kay Azurin, indikasyon lamang ito na handa ang lahat ng 3rd Level Officer na sumailalim sa assessment ng Committe of Five.

Aniya kailangan na matigil ang akusasyon at espekulasyon sa hanay ng  PNP.

Paliwanag ni Azurin, ang PNP na ang ‘on trial’ kaya dapat lamang na linisin ng mismong mi­yembro at pagkakataon na rin ito ng mga lahat na 3rd level officers na malinis ang kanilang pangalan.

Giit ni Azurin, wala naman dapat na ikatakot o ipangamba ang sinumang  senior officers sa assessment kung wala umano itong kinalaman o pagkakasangkot sa illegal drug trade.

Aminado si Azurin na nakakalungkot na lahat sila ay damay sa courtesy resignation bagamat limang seniors officers lamang ang nasa listahan na sinasabing sangkot sa usapin ng droga.

Subalit naiintindihan  niya ang desisyon ng mga political leaders kaya dapat lang silang sumunod. 

Binigyan diin ni Azu­rin na sa kanilang pagpasok sa PNP, majority ng kanilang karapatan ay kanila nang isinuko kabilang na dito ang pagsunod at hamon sa kanilang pagseserbisyo.

Sinabi naman ng PNP chief na sa kanilang pagpupulong napaliwanagan na  ang mga ito at inaasa­hang hanggang sa Enero 31 maisusumite ng mga senior officers ang kanilang mga resignation.

JR.

PNP

RODOLFO AZURIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with