Pangulong Marcos, Xi Jinping hahanapan ng solusyon mga mangingisda sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Nangako kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si China President Xi Jinping na hahanapan ng solusyon ang isyu ng mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Mismong si Marcos ang nagkumpirma na napag-usapan ang isyu ng mga mangingisdang Pinoy sa bilateral meeting nila ni Xi.
“And I was very clear in trying to talk about the plight of our fishermen. And the President (Xi) promised that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial, so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds,” ani Marcos.
Tinalakay din ng dalawang lider kung ano ang maaari nilang gawin upang maiwasan ang anumang posibleng mga pagkakamali at hindi pagkakaunawaan na maaaring mag-trigger ng mas malaking problema.
Ayon pa kay Marcos, naging mabunga ang pakikipag-usap niya kay Xi tungkol sa kooperasyon sa agrikultura, durian protocol, soft infra, climate change.
“It has been a very wide-ranging discussion... the meeting ran very long, and that’s why I’m actually very optimistic because President Xi seemed to be genuinely interested in all of these issues and finding a way to move forward to again strengthen the relationship between China and the Philippines. I’m quite gratified that we had made a good start,” ani Marcos.
Kahapon ay nakabalik na sa bansa ang Pangulo.
“I am pleased to report to you and to the Filipino people the key outcomes of the State Visit to the People’s Republic of China from 3rd to 5th of January of this new year, 2023,” bungad ni Marcos sa kanyang arrival message sa Villamor Airbase, Pasay City.
- Latest