MANILA, Philippines — Bumuti ang internet speed sa Pilipinas sa huling buwan ng 2022, sa pinakabagong datos na ipinalabas ng global speed monitoring firm Speedtest by Ookla.
Batay sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index report, tumaas ang mobile download at fixed broadband speeds para sa bansa noong December.
Tumaas ang mobile median download ng bansa sa average na 25.12 megabits per second (Mbps) mula sa 24.04Mbps noong Nobyembre.
Ito ay 4.49% month-on-month improvement para sa mobile internet speed. Kumakatawan din ito sa 17.33% improvement mula nang pumasok ang Marcos administration noong July 2022.
Bumilis din ang December fixed broadband median download speed level sa 87.13Mbps mula sa 81.42Mbps na naitala noong Nobyembre na kumakatawan sa download speed sa 7.01% month-to-month at 26.39% mula July 2022 sa pagsisimula ng bagong administrasyon.
Ikinatuwa naman ni National Telecommunications Commission (NTC) officer-in-charge Commissioner Ella Blanca Lopez ang pagbilis ng Philippine internet speeds.