Pagrepaso sa K-12 program aarangkada ngayong Enero

Students listen attentively to their teacher during their face-to-face class at the Hands of Children School in Quezon City on August 19, 2022.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sisimulan na ngayong Enero ang pagrepaso sa K to 12 program at sa buong basic education system sa bansa ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, may 10 taon ang binigay ng kongreso sa EDCOM II para pag-aralan ang buong educational system at para gawan sila ng rekomendasyon para mapaghusay at maiahon mula sa krisis.

Idinagdag pa ni Gatchalian na susuriin ng EDCOM II ang pagtupad sa mga batas na lumikha sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at TESDA.

“Sa pagbubukas ng 2023, agaran nating sisimulan ang maigting na pagsusuri sa estado ng edukasyon sa ating bansa. Sa pamamagitan ng EDCOM II, magpapanukala at magsusulong tayo ng mga repormang tutugon sa krisis na bumabalot sa sektor ng edukasyon,” giit pa ni Gatchalian.

Magsisilbi naman tagapayo ng EDCOM 11 ang legislation and policy advisory kung saan kabilang sa miyembro nito sina Pasig Mayor Vico Sotto at Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Mula naman sa Academe kasapi rin sina dating Ateneo de Manila President Fr. Bienvenido Nebres and former University of the Philippines College of Social Sciences and Philosophy dean Dr. Maria Cynthia Rose Bautista.

Show comments