^

Bansa

DOH: Nadisgrasya ng paputok nitong New Year 2022 'mas mataas nang 42%'

Philstar.com
DOH: Nadisgrasya ng paputok nitong New Year 2022 'mas mataas nang 42%'
Fireworks light up the sky over Rizal Park in Manila to celebrate during New Year celebrations on January 1, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Umabot ng 262 kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago at matapos ang Bagong Taon — mas marami nang halos kalahati kumpara sa parehong panahon noong last year.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH), Martes, ayon sa mga pagmamatyag ng kagawaran mula ika-21 ng Disyembre, 2022 hanggang ika-3 ng Enero, 2023.

"Mula kahapon, Jan.2, limampu't isa (51) ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals," sabi ng DOH kanina.

"Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa dalawandaan at animnapu't dalawa (262) na mas mataas ng apatnapu't dalawang porsyento (42%) kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa."

Sa kabila nito, lumalabas na mas mababa ito 15% kumpara sa five-year average na 308 sa parehong time period.

Pinakamarami sa mga nadisgrasya ang National Capital Region na nakapagtala ng 126 sugatan, bagay na sinundan ng Western Visayas (31) at Ilocos Region (23). Nasa 80% sa mga naputukan ay lalaki (208 katao). 

Narito ang mga paputok na nagtala ng pinakaraming FWRIs:

  • kwitis (54)
  • boga (30)
  • 5-star (21)
  • hindi pa tiyak (17)
  • fountain (16)

Ang boga at 5-star hindi hindi pinahihintulutang gamitin sa batas.

Ito naman ang mga parte ng katawan ng kadalasang napuputukan:

  • kamay (92)
  • mata (75)
  • hita (35)
  • ulo (34)
  • braso (31)

"One hundred forty-five (56%) cases occurred in the street, while 107 (14%) occurred at home," dagdag pa ng DOH.

"Forty-five (17%) cases were allegedly intoxicated with alcohol at the time of injury."

Ligaw na bala may nadisgrasya

Kumpirmado namang tinamaan ng ligaw na bala ang isang 64-anyos na babae sa Maynila, bagay na nangyari raw bandang 3:22 a.m. noong madaling araw ng Bagong Taon.

"[She] was... hit by a stray bullet while she was walking on her way to her brother-in-law's place of residence," sabi pa ng DOH. Agad siyang dinala sa Philippine General Hospital, bagay na na-validate ng Philippine National Police noong ika-2 ng Enero.

Sa kabutihang palad, wala pa namang kaso ng nakalunok ng paputok at wala pa ring namamatay dahil sa FWRIs.

Una nang hinala ng DOH na dumami ang kaso ngayong taon kumpara noong 2020 at 2021 lalo na't kasagsagan noon ng COVID-19 lockdowns at community quarantines, bagay na tinanggal na ngayon. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRECRACKERS

FIREWORKS

INJURIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with